Picture
"It's more fun in the Philippines."
                       Ang mga katagang ito ay napakaganda nga naman sa pandinig ng bawat Pilipino,maging sa mga banyaga. Ito ang nagpapatunay na napkaganda ng ating ipinagmamalaking "Perlas ng Silanganan", ang ating bansang Pilipinas. Ang mga katagang ito ang nagpapakitang ang Pilipinas ay patuloy na pinapangalagaan nating mga Pilipino.
                       Kamakailan lamang, ay inindorso ang mga katagang "It's more fun in the Philippines" sa pangunguna ng Kagawaran ng Turismo sa pamumuno ni Sec. Ramon Jimenez. Patuloy na ikinakampanya ng kagawaran ang patuloy na pagpapaganda, pangangalaga at pagtangkilik sa iba't-ibang tanawin at produkto ng ating bansa.
                       Nagpapatunay lamang ang "Puerto Princesa Underground River" na mayroong mga napakagandang tanawin sa  ating bansa dahil sa pagkakasama nito sa pinakabagong "7 Wonders Of Nature". Naging tanyag ring mga magagandang tanawin sa bansa ang Bulkang Mayon, Taal Lake, Banaue Rice Terraces, Chocolate Hills at marami pang iba. 
                            Kung mayroong ipinagmamalaking pagkain ang iba't-ibang bansa hindi naman magpapahuli ang Pilipinas sa ipinagmamalaki nating pinakbet, laing, bicol express, dinengdeng at marami pang ibang masasarap na lutuing Pinoy.
                            Nariyan rin ang iba't-ibang pista na ipinagdiriwang sa ating bansa katulad ng Sinulog festival, Pahiyas festival, Panagbenga festival, Ati-atihan festival, Dinagyang festival at marami pang pista ang dinarayo rin ng mga turista sa ating bansa.
                            Samakatuwid, ang bansang Pilipinas ay isang mayamang bansa. Nagpapatunay rito ang iba't-ibang aspetong ipinagmamalaki nating mga Pilipino katulad ng turismo, kultura, kasysayan at iba pa. Kaya't marapat lamang na ipagmalaking tayo ay mga PILIPINO. Patuloy na itaguyod ang pagpapayaman at pangangalaga sa ating mga likas na pinagkukunang yaman, kaya malinaw na malinaw sa ating isipan na " IT'S MORE FUN IN THE PHILIPPINES."

                                                                                                                                                              August 14,2012     7:49pm 




Leave a Reply.

    Thesecretfriend

    Is a SPA student of Bagong Silangan High School with the specialization of CREATIVE WRITING-II under Mr. Enrico Galang Jr. with supervision of SPA coordinator Mrs. Marissa F. Duka. The Bagong Silangan High School is head by Mrs. Angelita Regis,Principal IV.

    Archives

    August 2012

    Categories

    All